International Federation of Library Associations and Institutions (IFLA)

Mga Library at ang Kalayaang Intelektuwal

Pahayag na inihanda ng IFLA/FAIFE na inaprubahan ng Lupong Tagapamahala ng IFLA 25 March 1999.


Alarabia, Balgarski, Bangla, Bosanski, Chaltibhasa, Dansk, Deutsch, English, Español, Farsi, Français, Hangul, Hrvatski, Íslenska, Italiano, Kartuli, Lietuviskai, Magyar, Nederlands, Nihongo, Norsk, Polski, Português, Russkij, Shqip, Srpski, Suomeksi, Svenska, Tamil, Türkçe, Viet, Zhongwen (simplified), Zhongwen (traditional)


Ang IFLA (International Federation of Library Associations and Institutions) ay sumusuporta, nagtatanggol, at nagtataguyod ng kalayaang intelektuwal ayon sa Unibersal na Deklarasyon ng Karapatang Pantao ng United Nations.

Idinideklara ng IFLA na ang sinoman ay may pundamental na karapatan para sa pagpapahayag ng kaalaman, malikhaing pag-iisip at gawaing intelektuwal, at nang maipahayag ng lantaran ang kanilang mga pananaw.

Naniniwala ang IFLA na ang karapatang malaman at kalayaang magpahayag ay dalawang aspekto na may parehong prinsipyo. Ang karapatang malaman ay isang kahilingan para sa kalayaan ng pag-iisip at konsensya; ang kalayaan ng pag-iisip at kalayaang magpahayag ay mga kondisyong kinakailangan para sa kalayaan sa pagkuha ng impormasyon.

Kinikilala ng IFLA na ang komitment sa intelektuwal na karapatan ay isang pangunahing responsibilidad ng library at anumang propesyong nagbibigay ng impormasyon.

Samakatwid, hinihikayat (calls upon) ang lahat ng mga library at kawani nito na sumunod sa mga prinsipyo ng kalayaang intelektuwal, malayang pagkuha sa impormasyon at kalayaang magpahayag at kilalanin ang pagkapribado ng mga gumagamit ng library.

Hinihikayat ng IFLA sa mga gawain ng kasapi nito na isulong ang pagtanggap at realisasyon ng mga prinsipyong ito. Sa pamamagitan nito, isinusulong ng IFLA ang mga sumusunod:


Salin ni Jimmuel C. Naval, Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas


to Main page to top

IFLA/FAIFE Office
Birketinget 6, 6th floor, DK-2300 Copenhagen S, Denmark
Phone: +45(32)586066, ext. 532 - direct line: +(45)32341532
Fax: +45 32 84 02 01
E-mail: susanne.seidelin@ifla.org or sus@db.dk or faife@ifla.org